MENU

Bilang inyong Punong-Lungsod, at Chairman ng Board of Trustees ng University of Caloocan City, may tatlo akong mensahe sa inyo.

Una, ang aking 15-year City Development Plan para sa Caloocan at ito ay tatawagin kong ?#?Caloocan2030?: The Livable City Plan.

Pangalawa, ang pangarap kong papel ng kabataan ng Caloocan sa #Caloocan2030: The Livable City Development Plan.

Pangatlo, ang aking payo sa inyo bilang mga kabataan ng Caloocan.

 

Unang mensahe: #Caloocan2030: The Livable City Development Plan.

Noong 1973, o 42 years ago, ang Caloocan City ay mayroon lamang 274,453 na Population. Ngayong 2015, ang City Population natin ay nasa 1.5 million.

Ibig sabihin, sa apat na dekada, nagdagdag tayo ng 1.2 million na katao sa ating lungsod, o kaya 300,000 na dagdag na mga mamamayan sa bawat sampung taon.

Sa taong 2030, o 15 years mula ngayon, an ating City Population ay magiging 2.2 million na!

Siksikan na nga sa mga kalsada, siksikan na rin sa mga Barangay, maraming walang hanapbuhay at maraming walang sariling bahay, madadagdagan pa tayo ng tinatayang 600,000 na bagong mga mamamayan sa Caloocan pagdating ng 2030.

Batay sa mga expert, sa taong 2030 ang 2.2 bilyong piso na nawawala kada-araw ay magiging P6 Billion Pesos Worth of Oppurtunity Loss Per Day dahil sa trapiko lalo na sa Metro Manila.

Tulad ng alam ninyo, ang Caloocan City ay pangatlong lungsod sa buong Pilipinas na may pinaka-maraming Population.

Ibig sabihin nito, ang Caloocan ay isa sa mga pangunahing lungsod na sasalubong sa matinding paghihirap dulot ng trapiko at mga problemang kaakibat nito.

Pag sobra-sobra ang araw-araw na trapiko, hindi tayo nagiging produktibo, nababawasan ang ating kita, lumulubha ang kalagayan ng kalikasan, at dahil dito, maraming nagkakasakit. Maraming oportunidad ang nasasayang, nawawala pa ang Quality time para sa mga pamilya.

Ang Median Age ng Caloocan City at 23 years old. Sa Pilipinas ito ay 22 years old.

Ibig sabihin nito, 750,000 na populasyon sa Caloocan ay 23 years old at pababa.

Ang 15 to 25 years old sa Pilipinas ngayon ay 19% ng kabuuang population natin. Pagdating ng taong 2030, kayo ay mapapabilang sa 40% ng total population na nasa edad na 25 to 54 years old.
Ang age bracket na ito ay may mga asawa na, dapat may trabaho at sariling bahay na.

Ang age bracket na ito, 25 to 54 years, pagdating ng 2030 ang siyang pagkukunan ng malaking bahagi ng buwis, o kaya’y nagtatrabaho sa mga kumpanyang pagkukunan ng malaking buwis para sa bansa at para sa Caloocan.

E paano kung hindi kayo produktibo pagdating ng tamang panahon, o sa taong 2030? Siyempre, kulang ang buwis. Pasanin pa kayo ng Gobyerno. Problema kayo ng pamilya ninyo. Hindi ninyo matutulungan ang inyong mga anak. Ang iba marahil ay nasa kriminal na gawain pa, mabuhay lamang ang pamilya.

Kaya tungkulin ng inyong punong lungsod na ihanda ang pundasyon ng isang livable at sustainable city.

Maraming mga naging lider ang ating lungsod na puro papogi lang. Walang maliwanag na pangarap para sa lungsod sapagkat hindi naunawaan ang mga paparating na suliranin. Maraming mga naging lider sa ating lungsod ang walang nagawang konkretong accomplishments sapagkat walang mahusay na plano. Puro pamumulitika lang, paninira sa kalaban, pamumudmod ng salapi, puro lang pakaway-kaway, puro lang pangiti-ngiti, puro lang patapik-tapik.

Dahil matino at mahusay ang ating pagpa-plano para sa ating lungsod, dalawang taon pa lang, marami na tayong nagawa:

1. Napailawan ang maraming kalsada
2. Napasemento, at napa-aspalto ang maraming kalye
3. Nakapagpatayo ng dalawang UCC School Buildings
4. Naging libre ang tuition fee sa kolehiyo at dumami pa ang scholars natin sa ibang paaralan
5. Nakapagpatayo ng Social Development Center
6. Nakapagpatayo ng City Disaster Response Building
7. Napaayos at napaganda ang Glorieta sa Tala
8. Ang Buena Park ay naging Sports Complex at kasalukuyang ginagawa ang Sports Complex sa Caloocan North
9. Kasalukuyang itinatayo ang kauna-unahang City-Funded Hospital sa Caloocan North
10. Napaayos ang Monumento Circle pati na ang Rizal avenue
11. Itinatayo na ang bagong City Hall at commercial complex nito...At maraming iba pa.

Ano ba ang mga mahahalagang elemento ng #Caloocan2030: The Livable City Development Plan?

1. Number one: Reliable Mobility and Efficient Transportation System.
2. Number two: People-Friendly Business Environment
3. Number three: Productive Human Resources
4. Number four: Inclusive Growth
5. Number five: Resilient Barangays
6. Number six: Responsive City Government 
7. Number seven: Technology-Driven Anti-criminality Program
8. Number eight: Greening the City

Hindi ko na iisa-isahin pa ang mga detalye ng eight pillars ng #Caloocan2030: The Livable City Development Plan.

Bigyan ko lang kayo ng ilang halimbawa.

Sa Reliable Mobility and Efficient Tranportation System, nais kong pag-aralan na ng City Planning Office ang mga sumusunod:
1. Ang pakikipag-usap sa World Bank, Asian Development Bank, Japan International Cooperation Agency at ilang Multi-national Corporation upang maisagawa ang Feasibility Study ng pagtatayo ng Monorail o Rapid Bus Transit System sa 1st at 2nd District ng Caloocan. Hinding-hindi pwedeng hindi tayo mangarap nito sapagkat kayong mga kabataan, kabilang na ang nasa age bracket na 25 to 54 years, ang pangunahing magdurusa sa susunod na labing limang taon at higit pa kung walang ganitong inisyatibo para sa Reliable Mobility and Efficient Transportation. Sa aking 2nd term, pasisimulan na antin ang paglalagay ng Elevated Walkway sa ilang pangunahing kalsada upang maging Walkable City an gating lungsod. Magka- trapik-trapik man sa baba ng kalsada, may tiyak naming malalakaran tayo na Elevated Walkway.

2. Sa Productive Human Capital or Human Resources, kinakailangan na magkaroon ng panibagong Mindset at direksyon ang pamunuan ng Ucc upang makatugon ito sa mga pangangailangan n gating lungsod at n gating bansa sa tamang panahon. Dahil ditto, pinag-aaralan ko ang pagtatayo ng bagong Ucc Building sa Bagong Silang sa akin 2nd term na tatawagin natin ENGINEERING AND TECHNICAL CAMPUS. Ang Camarin Campus ay mananatiling BUSINESS AND ENTREPRENEUSHIP CAMPUS. Ang UCC sa Congressional ay tatawagin NATING DIGITAL ECONOMY CAMPUS. Dito ang Multi-Media Arts at training para sa mga BPO. Ang mga kursong Engineering, Business at Entrepreneurship, Digital at Multi-Media Arts ang mga kursong magpapalgo sa ekonomiya n gating lungsod at n gating bansa sa sususnod na dalawang dekada, at higit pa.

3. Sa People-Friendly Business Environment, pakikiusapan natin ang magtatayong malalaking negosyo sa ating lungsod ng maglaan ng Dormitory para sa mga kawani, at gawing medium to high-rise Building-Ready ang mga gusali upang maging pang-matagalan ang kapasidad.

4. Sa Productive Human Capital Development, nais kong pasimulan na ang pagtatag ng Caloocan Job Net. Hihimukin ko ang City Council na pag-aralan ang pagpapasa ng isang City Ordinance na oobligahin ang bawat Business Establishment na i-post sa Caloocan Job Net ang bawat Job Vacancy ng kanilang kumpanya, at sila ay magrereport sa City Government ng kanilang compliance sa kanilang pagre-renew ng Business License. Ang mga walang trabaho naman na graduate na, o nawalan ng trabaho, o kaya ay may Job Experience or Technical Skills ay hihimukin na mag Register ditto upang mabilis silang matutunton ng mga kumpanya na nangangailangan ng kanilang Skills, Competence at Experience. Para maging produktibo, kailangn may trabaho.

Bakit ba ako ay nagtatyagang magpaliwanag nito sa inyo?

Sapagkat kayo ang pagkukunan ng malaking pwersa sa pagbabago sa susunod na labing-limang taon at higit pa.
Sapagkat kayo ang mga susunod na Barangay Officials, mga Local at National Officials, Business Leaders or Managers.

Kailangan ninyong malaman ang Roadmap ng ating lungsod at ibahagi ito sa inyong mga kaklase, kapamilya, kabarangay at mga ka-organisayon ninyo.

Higit sa lahat, kailangan rin ninyong ipaglaban ang City Government na ang namumuno ay may maliwanag na plano para sa kanabukasan ng ating lungsod. Kailangan ninyong ipaglaban ang liderato ng lungsod ng Caloocan na may maliwanag na Track Record at Accomplishments sa maikling panahon.

Sana’y manatili kayong buo at nagkakaisang ipaglaban ang isang administrasyon ng lungsod na kapaki-pakinabang, nagsusumikap na maitatag ang isang Livable at Sustainable City.

MARAMING SALAMAT PO.