MENU

Isang makabagong health center na kumpleto sa pasilidad ang binuksan ngayon sa Calaanan, Barangay 50, Caloocan City.

Sa pakikipagtulungan ng SM Foundation, ang health center ay na-renovate at nakumpleto ang kagamitan, na may doktor at nurses na tutulong sa pangangailangan ng mga taga Caloocan.

 

Inihayag ni Mayor Oscar Malapitan na ito ay isang hudyat ng bagong kabanata ng lungsod, kung saan ang gobyerno at pribadong sektor ay nagtutulungan para sa pagpapabuti ng kalusugan ng mga mamamayan.

Sa pagsisinaya ng bagong health center, sinamahan si Mayor Malapitan nina Connie Angeles ng SM Foundation, Coun. Rose Mercado, City Council Health Committee Chairperson, at Dra. Maybelle Sison, OIC-Head ng City Health Department.

Sa nasabi ring okasyon lumagda ng kasunduan ang Pamahalaang Lungsod ng Caloocan at SM Foundation, na magtutulungan upang mapag-ibayo pa ang pangangalaga ng kalusugan ng mga mamamayan ng Caloocan.