MENU

HAPPENING NOW: Libo-libong mamamayan ang dumagsa mula brgy 22, 23 & 24 sa zone 2 ng Caloocan City upang makilahok sa Ugnayan sa Komunidad ni Mayor Oca Malapitan at mga konsehal.

Sa ugnayan naririnig ng mga opisyal ng lungsod ang boses ng mga mamamayan, at mabilis na nabibigyang-solusyon ang mga problema ng komunidad.

"Ang city hall ang lumalapit sa mga mamamayan upang personal na malaman ang kanilang mga prayoridad, mga pangangailangan at kung epektibo ang mga ipinagawang proyekto ng gobyerno", ayon kay Mayor Oca.