MENU

Ayon kay Mayor Oscar Malapitan: "Mahigit 300 classrooms na po ang nadagdag natin sa public schools sa 2015. Ngayong 2016, mahigit 500 classrooms po ang idadagdag, karamihan dito ay under construction na ang mga 2-storey hanggang 4-storey school buildings."

"Malapit na, na ang Caloocan ay ang nag-iisang lungsod sa Metro Manila na isang session lang ang klase ng mga bata, mula umaga hanggang hapon, mas mahabang aral, wala nang gagabihin", dagdag pa ni Mayor Oca.

"Malapit nang mawala ang morning session, afternoon session at sa high school meron pang evening session, dahil isang session na lang bawat araw. Magiging sapat na ang mga classrooms natin", ayon pa kay mayor.

"Ito ay dahil sa pagtutulungan namin ni Cong. Egay Erice na inilaan din ang pondo ng kanyang opisina sa pagpapatayo ng classrooms at school buildings", pahayag ni Mayor Oca.