MENU

Ipinag-utos ni Mayor Oscar Malapitan na buksan na sa publiko ang bagong Amparo Nature Park sa Mulawin St., Amparo, North Caloocan.

Ito ay bubuksan sa March 15, 2016, 9:00am. Ang parke ay mayroong walking/jogging paths, swimming pool, shower rooms, function halls, mini forest, gardens at iba pang mga pasilidad.

 

Ayon kay Mayor Oca, libre ang entrance, libre ang swimming at shower rooms, libre ang picnic sheds. Ito ay habang wala pang ordinansa ang konseho ng lungsod na magtatakda ng murang singil para sa maintenance at improvement ng parke.

Gayunman, mayroong affordable na bayad para sa mga exclusive events sa airconditioned function rooms ng parke.

Ipinakiusap ni Mayor Oca sa mga mamamasyal sa nature park na panatilihin ang kalinisan at ingatan ang mga pasilidad, mga halaman sa gardens, upang pangmatagalan ang pakinabang nito sa mga mamamayan.