MENU

Binisita kamakailan ni Mayor Oscar Malapitan ang itinatayong bagong City Hall ng lungsod sa 8th ave cor 8th st., East Grace Park, at ang katabi nitong commercial center sa 9th ave. cor 9th st.

Sinabihan ni mayor ang mga inhenyero na gawing energy efficient ang bagong gusali - chiller-type central aircon system, LED lights at natural lights, water recycling system, at iba pang makabagong pamamaraan na hindi waldas sa tubig at enerhiya.

 

Tapos na ang basement parking ng gusali at tumatayo na ang una at ikalawang palapag nito, na inaasahang matatapos hanggang sa ika-8 palapag sa December ngayong taon.

Kalahating ektarya lamang ang inukupahan ng mga gusali sa isang ektaryang lupain, kung kaya't ipinag-utos ni mayor na gawing parke at gardens ang palibot ng city hall na may mga fountains at walking/jogging paths.

Makikita sa mga larawan ang pag-usbong ng mga matataas na gusali mula sa pribadong sektor sa paligid ng ginagawang city hall, isang hudyat na magiging central Business District ng Caloocan ang lugar na ito dahil sa pagdagsa ng mga negosyante.