MENU

Kinumusta at kinausap ni Mayor Oscar Malapitan ang mga pasyente na naghihintay sa Caloocan City Medical Center (CCMC) sa Mabini St. upang personal nyang malaman ang kanilang mga pangangailangan.

 

Nagpasalamat naman ang mga pasyente kay Mayor Oca sa mga biyayang libreng serbisyo at mga gamot na kanilang pinakikinabangan, at may mga bumulong pa ng kanilang mga hinaing.

Agad din namang kinausap ni Mayor Oca ang mga staff at nurses na habaan ang kanilang pasensiya dahil serbisyo-publiko ang kanilang pinasok na trabaho.

"Kahit gutom at pagod na kayo, maging makatao lagi ang pakikipag-usap sa mga pasyente, at pagsilbihan silang mabuti dahil lahat sila ay nangangailangan ng pag-aruga at agarang tulong sa sakit na iniinda. Yan ang inyong sinumpaan na tungkulin", paalala pa ni Mayor Oca sa mga nurses.