MENU

Binigyang parangal at pagkilala si Caloocan City Mayor Oscar Malapitan kamakailan ng pamunuan ng Philippine National Police, sa pangunguna ni PCSupt. Joel Pagdilao, hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ito ay sa dahilang dalawang magkasunod na taon (2014, 2015) na nakapagtala ang Caloocan City ng pinakamababang crime index sa buong Metro Manila at may pinakamababang crime rate per 100,000 population.

Kinilala ni Gen. Pagdilao ang mga pagsisikap at pamamaraan ni Mayor Oca para mapababa ang krimen sa lungsod gaya ng mga pailaw sa mga barangay, pagdagdag ng CCTV at mga mission orders ng barangay chairmen para sa patrolya ng pulisya.