MENU

Masayang nagbalikan sa pinaganda at pina-modernong Maypajo Public Market ang mga original vendors ng lumang pamilihan. Puspusan na ang paglilinis sa mga kalat mula sa mga pansamantalang tindahan sa kalsada, na ngayon ay nabakantehan na. Isa-isa nang binabaklas ang mga pansamantalang tindahan upang mabuksan na rin ang mga kalsada sa paligid ng Maypajo Market. Mayroon nang maluwag na covered parking ng mga customers, may escalators pa.

 

Umaasa ang mga vendors na mas lalong sisigla ang kanilang kabuhayan dahil mas marami na ang mae-enganyong mamili sa bagong Maypajo Public Market dahil ito ay mas maganda, mas malinis, maluwag ang parking, at mas organisado ang mga sections ng paninda.

Nagpasalamat ang mga vendors kay Mayor Oscar Malapitan dahil hindi sila binigo sa kanyang pangako na mas lalong gaganda ang palengke at mas lalong sisigla ang kanilang mga negosyo.

Walang pagtataas ang singilian sa puwesto at pareho pa rin ang bayad sa binabayad ng mga vendors sa lumang palengke.

Ang kaganapang ito ay nagpapatunay na isa na namang kasinungalingan ang ipinapakalat na balita ng mga mapanirang pulitiko na "ibinenta na raw ang Maypajo Market at hindi na raw makakabalik pa ang mga vendors doon".