MENU

Pinasinungalingan ngayon ng hepe ng Office of the Senior Citizens' Affairs o OSCA na ang pondong pambili ng grocery pack para sa birthday gifts ng mga senior citizens ay umaabot sa P2,000 bawat isa.
Ito ay bilang reaksion sa umano'y lantarang kasinungalingang ipinapakalat na flyers ng mga tauhan ni Cong. Recom Echiverri sa lungsod ng Caloocan.
Ayon kay Marilyn De Jesus, OIC head ng OSCA, P339.00 lamang ang pinambibili ng bawat grocery pack mula sa Puregold, na dumaan sa public bidding at mahigpit na proseso ng Commission on Audit (COA).


Ipinaliwanag ni de Jesus ang breakdown ng pondo ng grocery package: Spaghetti 1 kilo P58.95; Spaghetti Sauce 1 kilo P61.45; Carne Norte 2 lata P78.50; Cheese P33.60; Foodkeeper P90.00; Greeting card, packaging, delivery P16.50 o may total na P339.00.
"Sa katunayan, ang Caloocan City Government ay tumanggap ng award mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) na Seal of Good Financial Housekeeping dahil sa transparent at walang pagdududang mga transaksion, walang nawawalang pondo, at maayos na pag-iingat-yaman sa pondo ng bayan", dagdag pa ni de Jesus.
"Kapag ang imbentong pondo ay sasabihing dalawang libong piso ang bawat grocery pack, aba'y napakalaki talaga ng sobra at malalagay kami sa alanganin. Bukas po ang libro at mga transaksion sa city hall na puwedeng suriin ng kahit na sino, isa sa mga ipinatupad na hakbangin ni Mayor Oscar Malapitan upang maiwasan ang kurapsion at maging matapat at transparent ang lahat ng transaksion namin", ayon pa kay de Jesus.
Bilang reaksion sa mga kasinungalingang flyers at press releases na ipinapakalat ng mga tauhan ni Cong. Recom Echiverri sa Caloocan City, inihayag ni City Administrator Engr. Oliver Hernandez na "ito ay tanda ng isang bangkaroteng kampanya, na ginagamitan ng hindi totoong mga data at impormasyon para makapanira sa kalaban nila, dahil wala silang magamit na totoong impormasyon at totoong issues para sa kanilang mapanirang uri ng pulitika".
MAKIKITA SA PICTURE (sa baba) ANG TOTOONG PURCHASE ORDER SA PUREGOLD NG GIFT PACKS PARA SA SENIOR CITIZENS. HINDI NAGSISINUNGALING ANG EBIDENSIYA!
Paki-share po ito sa inyong mga kaibigan at iba pang FB pages at FB groups para malaman ng lahat ang KATOTOHANAN.