MENU

Personal na isinara ni Mayor Oscar "Oca" Malapitan ang lahat ng cement batching plants sa Sta. Quiteria dahil sa ibat-ibang paglabag sa nga alituntunin ng pagnenegosyo.

Ayon kay Mayor Oca, personal na siyang nakipagpulong sa mga may-ari ng cement batching plants, isang buwan na ang nakakaraan upang tugunan ang reklamo sa sobrang alikabok ng mga residenteng malapit dito.

 

"Subalit isang buwan na ang nagdaan ay mukhang binale-wala ang aming pakiusap at tuloy pa rin ang pagkalat ng alikabok ng semento na mapanganib sa kalusugan ng mga mamamayan", paliwanag ng mayor.

Dahil dito, sinuri ang papeles ng naturang mga planta at natuklasan na ilan sa kanila ay walang business permit, walang building permit, walang occupancy permit, at lahat ay lumalabag sa environmental laws.

Ang mga ipinasara ay: High Performance Ready Mix, Metro Megamix, 10k Ready Mix at FLGC Hollow Blocks.

"Kapakanan ng mamamayan ang laging una. Hayaan nyo na yung singil sa buwis at amilyar ng mga kompanyang ito. Mas mahalaga ang kalusugan ng nga taga rito", dagdag pa ni Mayor Oca.

Sinamahan si Mayor Oca sa pagpapasara sa mga kumpanya nina: City Administrator Engr Oliver Hernandez, Business Permits and Licensing Office Chief Atty Cho Vergara, City Health Office chief Dra Maybele Sison, City Building Official Engr Fred Gravador, City Legal Chief Atty. Don Camina, Office of the Secretary to the Mayor Betsy Luakian, at Caloocan Disaster and Risk Reduction Management Office Chief Alex Nadurata.