MENU

Naghiyawan sa saya at nagpalakpakan ang mga residente ng Pangarap Village sa Brgy 181 at 182 sa Caloocan City North, matapos nilang masaksihan ang pagdating ng bulldozer at hinawi ang mga nakaharang na concrete barriers sa bukana ng kanilang kalsada.

 

Ito ay matapos ipatupad ng sheriff ng RTC branch 131 ang "writ of preliminary injunction" ng korte na magkaroon ng "free access" sa Pangarap Village ang lahat ng utility companies gata ng Maynilad at Meralco, gayundin ang lahat ng government agencies.

Ikinatuwa ni Mayor Oca Malapitan ang naturang kaganapan at sinabing "ito ay pang-unang tagumpay ng mga taga Pangarap dahil maibabalik na ang kanilang tubig at kuryente

Matatandaan na sinampahan ni Mayor Oca at ng buong konseho ang Carmel Development Inc. dahil sa pagsasara nito ng mga kalsadang dinadaanan ng mga mamamayan.