MENU

Tatlong araw at gabi na binuno ng mga hepe ng departamento (executive) at sangguniang panglungsod (legislative) ng Caloocan City ang mga gawain sa susunod na tatlong taon ng ikalawang termino ng administrasyon ni Mayor Oscar Malapitan.

Kinailangang "pag-asawahin" ang mga pagkilos ng ehekutibo at lehislatura upang umayon ang lahat ng trabaho sa ordinansa at resolusyon ng konseho, budget at implementasyon ng mga hepe at kawani ng mga departamento.

Dinaluhan din ito ni Cong. Dale Gonzalo "Along" Malapitan (1st Dist.) upang mai-linya din sa mga programa at proyekto ng lungsod ang kanyang mga lehislasyon at proyekto.

Ikinatuwa naman ng nga kinatawan ng Dept of Interior and Local Govt ( DILG) ang hakbang na ito dahil sa bukod-tanging kaganapan sa Caloocan na magkasundo ang executive at mga konsehales dahil buong-buo na nagmula sa iisang partido.

Dahil dito, mabilis na naipako ang mga gagawing programa at proyekto kaakibat ang mga resolusyon at ordinansa ng konseho.