MENU

Opisyal nang binuksan ng pamahalaan ang pagbabakuna sa A4 PRIORITY GROUP o ECONOMIC FRONTLINERS.
Kaya naman, hinihikayat ang mga kabilang sa priority group na ito na magpabakuna na rin kontra Covid-19.
Sinu-sino ang mga kabilang sa A4 priority group ayon sa Inter-Agency Task Force (IATF)?
✔️ MGA MANGGAGAWA SA PRIBADONG SEKTOR na kinakailangang pisikal na naroroon sa kanilang itinalagang pinagtatrabahuhan.
✔️ MGA KAWANI NG AHENSYA NG GOBYERNO, kabilang din ang mga government-owned and controlled corporation (GOCC) at local government unit (LGU).
✔️ MGA INFORMAL SECTOR, PRIVATE HOUSEHOLDS, AT MGA SELF-EMPLOYED WORKERS na maaaring nagtatrabaho o kinakailangang lumabas ng kanilang tinitirhan.
Ano ang mga kailangan dalhin kung kabilang sa A4 category?
1. Valid ID (Company ID kung mayroon)
2. Sariling ballpen
3. Facemask at face shield
PAALALA:
•Basta't nakapag-profiling at kabilang na sa priority group na A1, A2, A3 at A4 ay maaari nang magtungo sa ating mga vaccination site na bukas ngayong araw mula 8am hanggang 4pm. Hindi na kailangan pang maghintay ng text message para sa schedule o appointment.
•Manatiling nakaantabay sa Facebook page ni Mayor Oca Malapitan para sa schedule at lugar ng vaccination sites na pinopost natin araw-araw.
•Para sa profiling/pre-registration, maaaring makipag-ugnayan sa inyong barangay health center o bisitahin ang link na ito: bit.ly/profilingcalv2
Sa Caloocan, Protektado Tayo!