Bilang ayuda sa mamamayan, inaprubahan na ng Sangguniang Panlungsod ng Caloocan ang extension sa pagbabayad ng business taxes at real property taxes.
Inaprubahan ni Mayor OCA Malapitan ang Ordinance Nos. 851 at 852 na naglalayong mabawasan ang pasanin at alalahanin ng mga negosyante at mamamayan ng lungsod sa kabuuan.
Alinsunod sa Ordinance 851, extended na ang pagbabayd ng business taxes at fees para sa 2nd hanggang 4th quarter ng taon at walang babayarang surcharges, interests o penalties.
Batay sa ordinansa ang deadline para sa 2nd quarter ay itinakda na sa June 30 sa halip na April 30; sa 3rd quarter ay sa August 30 sa halip na July 30 at para sa 4th quarter ay sa November 30 sa halip na sa October 20.
Alinsunod naman sa Ordinance 852, sa halip na Marso 31, extended na rin ang pagbayayad ng real property tax hanggang June 30 at wala ring multang ipapataw.
“Patuloy po ang paggawa ng mga paraan ng inyong lokal na pamahalaan upang mapagaan ang bigat ng ating pinagdaraang suliranin sa gitna ng COVID 19 crisis. Kami naman po ay patuloy ding nananawagan para sa inyong kooperasyon sa mga ipinatutupad na polisiya sa ilalim ng enhanced community quarantine,” ayon kay Mayor OCA.