MENU

Hon. Oscar "OCA" Malapitan

Sa 18-taon niyang pagsisilbi sa lungsod na kanyang kinalakihan at mga kapwa niya taga-Caloocan, subok na ang husay at kakayahan ni Oscar “Oca” Malapitan sa paglilingkod-bayan. Anak ng yumaong si Col. Vicente Malapitan at Josefina Gonzales, maagang namulat kay Oca ang pagsisilbi sa bayan - isang bokasyong kanyang sinagot nang una itong tumawag noong 1992 kung kailan una siya nagsilbi bilang Konsehal ng lungsod. Muli siyang inihalal bilang Konsehal para sa kanyang ikalawang termino noong 1995 matapos ang kanyang tatlong-taong paglilingkod.

Dahil sa napatunayang galing at pagiging malapit sa mga ordinaryong taga-Caloocan, pinagkatiwalaan si Oca na maglingkod sa mas mataas na posisyon nang inihalal bilang Vice-Mayor ng Caloocan noong 1998. Sa kabila ng di matagumpay na kandidatura para sa pagiging Congresista noong 2001, muling ipinakita ng mga taga-Caloocan ang kanilang tiwala at kumpiyansa kay Oca nang ibalik siya sa pamamahala noong 2004 bilang Congressman ng unang distrito ng lungsod.

Sa kanyang unang termino bilang Congressman kinilala si Oca bilang isa sa mga nominado sa 30 Most Outstanding Congressmen sa buong bansa. Ngunit naging mas maugong ang pagkilalang ibinigay ng mga ordinayong mamamayan sa kanyang kakayahan. Matapos ang kanyang unang termino, muling inihalal si Oca bilang Congressman para sa ikalawang pagkakataon mula 2007 hanggang 2010 at para sa ikatlong termino mula 2010 hanggang sa kasalukuyan.

Bilang Congressman, naisabatas ni Oca ang pagsasaayos ng Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium para maging isang tertiary-level hospital na ngayon ay mas mabuti ang nangangalaga sa ating mga kababayan, lalo na sa mga taga-Caloocan. Siya rin ang nagsulong ng batas para maitayo ang National Science and Technology High School sa Caloocan na nagbibigay ng specialized training para sa mga kabataan ng Caloocan para agad na matutunan ang mga kakayanang kailangan para agad na makakuha ng trabaho. Naisabatas din niya ang pagdadagdag ng apat na sangay ng Metropolitan Trial Court sa Caloocan bilang bahagi ng reporma sa sistema ng hustisya sa lungsod.

Hon. Macario E. Asistio III

List Of City Councillors

Position Name
DISTRICT 1 COUNCILOR HON. CARMELO F. AFRICA III
DISTRICT 1 COUNCILOR HON. DEAN ASISTIO
DISTRICT 1 COUNCILOR HON. VINCENT RYAN "ENTENG" R. MALAPITAN
DISTRICT 1 COUNCILOR HON. CHRISTOPHER E. MALONZO
DISTRICT 1 COUNCILOR HON. MARYLOU "ALOU" NUBLA
DISTRICT 1 COUNCILOR HON. ANNA KARINA TEH - LIMSICO
DISTRICT 2 COUNCILOR HON. EDGARDO ARUELO
DISTRICT 2 COUNCILOR HON. LUIS "L.A." ASISTIO III
DISTRICT 2 COUNCILOR HON. RICARDO J. BAGUS
DISTRICT 2 COUNCILOR HON. ALEXANDER V. MANGASAR
DISTRICT 2 COUNCILOR HON. MA. MILAGROS S. MERCADO
DISTRICT 2 COUNCILOR HON.ROBERTO R. SAMSON
LIGA NG MGA BARANGAY PRESIDENT HON. JOSE LORENZO T. ALMEDA
SK FEDERATION PRESIDENT HON. ORVINCE HOWARD A. HERNANDEZ