MENU

Isang masaya at dinadayo ng mga turista ang taunang kapistahan ng Sto. Nino de Pajotan sa Maypajo, Caloocan City, na masasaksihan ang prosisyon ng mga Sto. Nino, Banal na Misa, sayawan sa kalsada, mga palaro at paligsahan, at mga programang kaaliwan ng mga mamamayan.

Dahil dito, nanawagan si Caloocan City Mayor Oscar Malapitan na gawing maayos at ligtas ang pagdiriwang ng mga mamamayan sa Maypajo ng kanilang kapistahan.

 

Ang Department of Public Safety and Traffic Management (DPSTM), katuwang ang Philippine National Police (PNP) ang naatasan ni Mayor Malapitan na mangasiwa ng kaayusan sa masayang pagdiriwang na ito.

Sa January 31, 2016, alas-6:00 ng umaga ay magsisimula ang prosisyon at parada na babagtas sa JP Rizal St., San Mateo St., Pasig St., Jala-jala St., Mabini St., Gen. Luna St., Libis Espina, Dagat-dagatan Ave., C3 Road.

Asahan po ang mabigat na daloy ng trapiko sa mga nabanggit na lansangan mula 6:00 ng umaga hanggang tanghali. Sa mga motorista, pinapaki-usapan po ng DPSTM na iwasan ang mga nabanggit na kalsada at dumaan na lamang sa mga alternatibong lansangan.

Ipinarating din ni Mayor Malapitan ang kanyang mainit na pagbati sa mga taga Maypajo sa kanilang kapistahan, sa pamamagitan ng pakikilahok niya sa mga aktibidad dito.