MENU

HERE IS THE LIST OF BENEFICIARIES OF SOCIAL AMELIORATION PROGRAM, PLEASE CLICK THE LINK BELOW :

                  LIST OF BENEFICIARIES

Kasalukuyang nasa Brgy. 171 North Ville at Brgy. 9 ang CEMD ngayong umaga para sa isinasagawang fogging at fumigation na parte ng Oplan Iwas Dengue sa ating lungsod.

Pinapaalalahanan ang lahat na panatilihing malinis ang inyong kapaligiran upang makaiwas tayo sa sakit na Dengue.

 

Handog ng Gandang Malapitan ang ligtas at libreng gupit para sa mga residente ng Barangay 174 Magnolia Street ngayong araw.

Para sa mga nais magpagupit ng buhok, maaaring magtungo sa Brgy. Hall at magparehistro.

Abangan din ang susunod na anunsyo para sa schedule ng Gandang Malapitan.

#LabanCaloocanKontraCovid19

Muling aarangkada ang ating Mobile Botika at mamamahagi ng libreng mga pangunahing gamot at bitamina sa mga sumusunod sa barangay.

Unang tutunguhin nito sa Miyerkules (July 15) ang Barangay 93 na kasalukuyang nasa ilalim ng total lockdown. Dito ay house to house ang paghahatid natin ng mga pangunahing gamot at bitamina para hindi na kailangan pang lumabas ng mga residente.

#LabanCaloocanKontraCovid19