MENU

 

Nais ipaabot ni Mayor Oca Malapitan ang kaniyang pakikiramay sa pamilya nang pumanaw na si Barangay 93 Chairman Melquiades Sonny Bonifacio.

"Labis kong ikinalulungkot ang balitang pumanaw na si Kap. Bonifacio dahil sa karamdaman. Siya ay isa sa mga mabubuti at masisipag na lingkod-bayan sa kaniyang mga nasasakupan," pahayag ni Mayor Oca.

"Tayo ay labis na nakikiramay sa kaniyang mga naiwan na mahal sa buhay. Nawa'y maging matatag kayo at malagpasan ang matinding pagsubok na ito sa inyong pamilya," mensahe ni Mayor Oca.

Ang mga alaala at pagmamalasakit mo sa iyong mga taga-barangay ay mananatili sa puso ng mga taong nagmamahal sa iyo. Maraming salamat, Kap. Bonifacio!

Ang Caloocan City North Medical Center Out-Patient Department ay bukas upang magbigay ng serbisyong-medikal sa ating mga mamamayan.

Alinsunod sa mga alituntuning itinakda ng Department of Health tungkol sa COVID-19 pandemic, hinihikayat ang lahat na sundin ang social distancing at pagsusuot ng face mask.

Pinapaalalahanan din ang lahat na walang tatanggapin na OPD Walk-ins at kailangan munang magpatala o magpa schedule (Lunes-Biyernes, 8am-5pm lamang) sa pamamagitan ng pag-text ng (PANGALAN, EDAD, BARANGAY, ORANGE CARD (kung meron), DAHILAN NG KONSULTA) sa mga sumusunod na numero:

Medical/Pedia/Senior – 09159307599
OB-gyne – 09327046576
Subspecialty – 09950193400 (Gastroenterology, Pulmonology, Cardiology, Rheumatology, Surgery, Orthopedic, Urology, Ophthalmology, Diabetes Clinic and ENT)

Mangyaring basahin lamang ang ipinost naming schedule ng ating OPD sa CCNMC.

Inaprubahan na ni Mayor Oca Malapitan ang ordinansa na nagpapaikli sa ipinatutupad na curfew hours sa lungsod habang patuloy na umiiral ang General Community Quarantine (GCQ) sa Metro Manila bunsod ng COVID 19 pandemic.

Alinsunod sa Ordinance No. 0876 na isinulong nina Councilors Enteng Malapitan at Rose Mercado na sinang-ayunan ng iba pang konsehal ng lungsod, ang bagong curfew hours ay mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng madaling-araw mula sa dating alas-8:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng madaling-araw.

Ipinaliwanag sa ordinansa na marami na ang mga manggagawa ang balik na sa kanilang trabaho subalit limitado pa rin ng pampublikong sasakyan kaya't marami sa mga empleyado ang nananatili sa mga kalsada nang mas mahabang oras.

Bukod dito, binigyan na rin ng go signal ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases ang dine-in sa mga restaurant. Ngunit dahil sa limitadong kapasidad lamang ang pinapayagan, maraming customer ang inaabutan din ng curfew sa kanilang pagpila.

Nakasaad pa sa ordinansa na pratikal lamang at rasonable ang pagpapaikli ng curfew hours para sa kapakanan ng mga residente sa lungsod.

Ipinaliwanag naman ni Mayor Oca na dapat pa rin manatili sa kanilang mga tahanan ang mga nasa edad 21 pababa, mga senior citizen edad 60 pataas na hindi kabilang sa essential workforce, mga maysakit at mga buntis.

"Sa kabila ng pagpapaikli sa oras ng ating curfew, patuloy ang ating paalala sa pagsunod sa health protocols tulad ng pagpapanatili ng social distancing, pagsuot ng face mask at palagiang paghuhugas ng kamay o paggamit ng alcohol," pahayag ni Mayor Oca.