MENU

Kasalukuyang nagsasagawa ng fogging operation ang City Environmental Management Department sa Barangay 1.

Inaanyayahan ang lahat na panatilihing malinis ang kani-kanilang kapaligiran upang makaiwas sa maaring pugaran ng lamok at maging sanhi ng dengue.

 

 

 

Kasalukuyang nagsasagawa ng Fogging at Disinfecting sa Buena Park, Barangay 2 at Barangay 3. Ito ay isinasagawa ng City Environmental Management Department para sa OPLAN "Iwas Dengue" at kontra Covid 19, na ilan lamang sa mga proyekto ni Mayor Oca Malapitan.

 

 

Maaga pa nang simulan ang isinasagawang Fogging at Fumigation ng City Environmental Management Department ngayong araw sa Barangay 7 at Jordan Height, Barangay Llano.

Pinapaalalahanan ni Mayor Oca na panatilihing malinis ang kani-kanilang kapaligiran upang makaiwas sa maaring pugaran ng lamok at maging sanhi ng dengue.

 

 

 

Pinangunahan ni Mayor Oca Malapitan ang isinagawang inspeksyon ng bagong bus terminal sa may EDSA, Monumento.

Kasama ni Mayor Oca sa nasabing inspeksyon sina MMDA General Manager Jojo Garcia at ang mga miyembro ng Congressional Transportation Committee kung saan isa sa Vice Chairperson si Cong. Along Malapitan.

"Sa tulong ng ating kapulisan, DPSTM at mga barangay volunteers, sisiguraduhin natin na naipatutupad ang safety protocols tulad ng social distancing sa mga pinapayagang pampublikong sasakyan sa lungsod," ani Mayor Oca.