MENU

Mahigpit na ipinatutupad ang mga health safety protocol sa Out-Patient Department ng Caloocan City Medical Center (CCMC) na pansamantalang inilipat sa may DBP Building sa Old City Hall Plaza.

Hinihikayat ang lahat ng pasyente na sundin ang pasusuot ng face mask at social distancing.

Para sa mga pasyenteng nais magtungo, mangyaring basahin lamang ang schedule na aming pinost.

#LabanCaloocanKontraCovid19

Ngayong umaga ay isang masamang balita ang bumungad sa atin matapos nating malaman ang walang habas na pagpatay kay Barangay 151 Chairman Gally Dilao.

Ayon sa report ng ating kapulisan, si Kapitan Dilao ay naglalakad sa may Progreso Street pauwi sa kanilang tahanan bandang alas-12 kagabi nang siya ay walang-awang pinagbabaril ng mga lalaking nakasuot ng itim na face mask at sakay ng tatlong motorsiklo.

Labis nating ikinalulungkot ang pangyayaring ito. Si Kapitan Dilao ay hindi lamang isang tapat na lingkod-bayan kundi isa ring mabuting kaibigan.

Congressman pa lamang ako ay personal nang malapit sa akin si Kap. Dilao, kaya batid natin na siya ay mapagmahal sa pamilya, mabait na kaibigan at mapagbigay na lider sa kaniyang mga nasasakupan.

Kaya naman nang malaman natin ang masamang pangyayaring ito ay kaagad kong inatasan ang ating kapulisan sa pangunguna ni Caloocan Police chief Col. Dario Menor na imbestigahan ito upang kaagad na matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin nang sa gayon ay mabigyan natin ng hustisya ang pagpatay kay Kapitan Dilao.

Tayo ay nakikiramay sa naiwang pamilya ng ating kaibigan. Patuloy nating ipanalangin ang hustisya at kaniyang katahimikan. Ang mga alaala at pagmamahal mo sa lungsod ng Caloocan, higit na sa iyong mga taga-barangay ay mananatili sa aming mga puso. Maraming salamat sa iyo, Kapitan Gally Dilao!