MENU

Muling aarangkada ang ating Mobile Botika at mamamahagi ng libreng mga pangunahing gamot at bitamina sa mga sumusunod sa barangay.

Unang tutunguhin nito sa Miyerkules (July 15) ang Barangay 93 na kasalukuyang nasa ilalim ng total lockdown. Dito ay house to house ang paghahatid natin ng mga pangunahing gamot at bitamina para hindi na kailangan pang lumabas ng mga residente.

#LabanCaloocanKontraCovid19

Kasalukuyang isinailalim din ni Mayor Oca Malapitan sa total lockdown ang Barangay 38 upang mapigilan ang pagkalat ng Covid19 sa lugar.

Dahil sa pagtaas ng kaso ng Covid19 sa nasabing barangay, minabuti ng Punong-Lungsod na magtotal lockdown sa lugar upang magsagawa ng mabilis na contact tracing at mass testing. Sa huling datos ay nasa 42 na ang nagpositibo sa sakit dito.

Nangako naman si Mayor Oca na patuloy na mamamahagi ng relief goods upang masigurong may makakain ang mga residente habang sila ay bawal lumabas.

Mahigpit na ipinatutupad ng ating kapulisan ang total lockdown sa Barangay 93.

Ayon kay Caloocan police chief Col. Dario Menor, nakaantabay ang ating mga kapulisan sa lugar upang masigurong walang lalabas sa kanilang mga bahay.

Kasabay ng total lockdown ay nagsasagawa ang ating City Health Department ng contact tracing at mass testing upang mapigilan ang pagdami pa ng kaso ng Covid19 sa nasabing barangay.

Patuloy naman humihingi ng pang-unawa at kooperasyon si Mayor Oca Malapitan hinggil sa mga polisiyang ipinatutupad kaugnay ng laban kontra Covid19.

#LabanCaloocanKontraCovid19

Umulan man o umaraw, patuloy ang pamamahagi natin ng relief packs sa nasa mahigit 1,100 pamilya na apektado nang ipinatutupad na total lockdown sa Barangay 93.

Sa tulong ng ating DPSTM at barangay volunteers ay house to house nating naihahatid ang tulong ng Pamahalaang Lungsod sa ating mga residente.

#LabanCaloocanKontraCovid19