MENU

Ang Pamahalaang Lungsod ng Caloocan sa pangunguna ni Mayor Oca Malapitan ay nakikiisa sa kampanya ng Pamahalaang Nasyunal hinggil sa patuloy na laban kontra Covid-19.

Pinaaalalahanan ang lahat na sundin ang "BIDA" o Bawal ang Walang Mask, I-sanitize ang mga Kamay, Dumistansya ng Isang Metro, at Alamin ang Totoong Impormasyon.

Sama-sama nating lagpasan ang pandemyang ito. Labanan natin ang Covid19.

Kasalukuyang isinasagawa ang unang araw ng Fogging, Misting at Lavarcide sa Bagumbong Brgy. 171 North Vill.

Antabayanan ang aming update kung saan ang susunod na Barangay na bibisitahin ng CEMD.

Patuloy ang pagpapaalala ni Mayor Oca Malapitan sa mga mamamayan na palaging magsuot ng face mask kapag lalabas ng bahay o nasa mga pampublikong lugar sa lungsod.

Alinsunod sa umiiral na City Ordinance No. 0862 o ang mandatory use of face mask, obligado ang lahat na magsuot ng face mask sa mga pampublikong lugar at ang mga lalabag ay maaaring pagmultahin ng P5,000 o makukulong ng isang buwan, depende sa diskresyon ng Korte.

"Para sa kaligtasan ng bawat isa, pinaaalalahanan natin ang ating mga residente na magsuot ng face mask bilang bahagi ng New Normal," pahayag ni Mayor Oca.